Patungkol
sa pabalat
“Nagmula sa
nilalaman ng murang isipan,
Nabuhay ang katingkaran ng kawalang malay.
Binuksan, ibinuhos sariling talino’t kakayahan
At inilimbag sa mumunting bahagi ng kwaderno ,
Na mababasa at bububsog sa kanilang isipan “.
Ang pampanitikang aklat ng Cool-lang at nagpapacool lang
,
Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral
sa ikalawang taon, pangkat A
Ng Batsilyer sa Agham Pang-impormasyong Teknolohiya ng
Unibersidad ng Rizal.
Sa obrang ito, amin lahat ang karapatan.
Sa aklat na ito walang bahagi ang maaaring sipiin sa
anumang pamamaraan
Nang walang pahintulot sa may mga akda, maliban sa mga
artikulong kinakailangang gamitin
Sa pang-akademiko.
Inilimbag
:
Setyembre 2015
Kasapi: Mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Batsilyer sa
Agham Pang-impormasyong Teknolohiya, Ikalawang taon ,Pangkat A.
Klase
ng BSIT 2A
Kilala ko na ba
nang lubusan ang mga kaklase ko? sa totoo lang hindi pa talaga. Ikaw, alam kong
hindi mo rin sila kilala kasi mambabasa ka lang naman na gustong magbasa ng
gawa ng iba. Sa madaling salita gusto mong makialam dahil sa nilalaman, sigi
pagbibigyan kita. Ipapakilala ko ang klase ng BSIT 2A sa iyo. Nakadepende ito
sa kung ano ang alam ko. Huwag kang magtaka kung kinakausap kita sa paraang
gusto ko. Ako iyong tipong hindi bihasa kaya pagbigyan mo na.
Sa kursong
kinuha nila, hindi sila lahat sigurado. Mayroong mga nagkamali lang, pinilit ng
magulang, kapatid, kaibigan, dating kaklase at ang hindi pangkaraniwan sa lahat
ay dahil sa kapitbahay.May mga nagpapakapraktikal at hindi din mawawala iyong
mga pumili ng kursong bukal talaga sa puso nila. Mayroon ding mga di maamin na
pinanindigan lang nila ang kanilang pagkakamali.
Sa pagpili ng
mga taong iyon ay nabuo ang hindi inaasahang kombinasyon ng BSIT1A at sa
kasalukuyan ay BSIT2A. Sa BSIT 2A, unang-una na nalalaman ng bawat isa ay ang
mga ugali. Alam kong alam mo na hindi naman manhid ang mga tao para hindi
malaman ang mga ugali nila. Sa klaseng ito, may mga nabuo na grupo na may
kaniya-kaniyang mundo. Masamang impluwensya, mga estudyanteng may tungkulin
para magpalaganap ng kung anu-anong alam nila. Tahimik na madaldal, mga
madadaldal kapag magkakasama sila, tahimik sa oras na nagkakahiwalay o kung may
ginagawa. Kumpares, dalawa o tatlong magkakasamang mga lalaki na may
sari-sariling pinagkakasunduan o hilig. Pasikat, bida-bida hindi totoong sikat
sa skul pero sa tuwing nagsasalita iba talaga ang dating. May mga selfie
addict, iba naman ang mga tinitira nito hindi kumpleto ang kanilang araw nang
wala silang nakukuhang litrato ng kanilang sarili. Saan sila nagkakasundo?
Dokumentasyon ng mukha nila araw-araw at iba pa tulad ng pagsusulit, pagsasabi
ng sagot o sa madaling salita ay kopyahan. Iba’t-ibang klase ng kadayaan at
paraan ng pagtutulungan.
Ang
buhay nga naman ay tila isang biyahe lamang. Bagama't ito'y puno ng mga sulok
at pasikot-sikot na magdadala sa iyo sa mga daan na sadyang hindi mo inaasahang
mapuntahan o maging sa iyong patutunguhan at magdudulot ng mga pangyayari sa
buhay na ikaw mismo ang magbibigay kulay at pipinta sa nais mong tatahaking
daigdig. Sa isang byahe din maaari mong mahanap ang iyong tunay na sarili at
maging ang salamin ng buo mong pagkatao na siyang magbubunyag ng iyong
natatagong kahinaan at pati narin ang iyong mga kalakasan bilang isang nilalang
na nabubuhay sa mundong ito. Anf lahat ay nagsisimula sa wala, ngunit kalakio
nito'y mayroon tayong kalayaan upang isulat, ilista o ilagay ang gusto nating
ipahiwatig aymt gawin ang ating nais. Marahil sa umpisa ay hindi alam at
nangangapa pa sa mga unang hakbang na gagawin.
Gamit ang mga gahimaymay at
pinagtagpi-tagping salita upang makabuo ng tula. Naibabahagi din upang
magsulat, magmulat at magbalita sa mga impormasyong nakalap. Ibinahagi gamit
ang mga karanasang iginuhit sa kanilang mga palad upang makabuo ng isang
maikling kwento sa tulong ng mga bagong kaisipan, hayagang naibabatid at
naisasabuhay ang mga natuklasan, naiaambag ang kaalaman at maging ang mga aral
mula sa napagdaanan, babauning karanasan bilang isang mag-aaral na ang layunin
ay upang magkaroon ng pagyabong ng isipan sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyang
panahon, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na
humuhubog sa isipan at damdamin ng isang tao. Kaalinsabay nito'y hinubig ang
kaalaman at hinimay ang mga anggulo upang makapagpalabas ng magandang larawan
na siyang nagbigay buhay sa pahayagang tinuran.
Gamit ang alab ng isang plumang
nagihimlay sa kamay naming mga manunulat at mula sa mga naging miyembro ng
aming obra taong 2015, nais naming ibahagi sa inyo ang munting kwaderno upang
imulat at mabigyan ng boses ang pahayagang ito. Obrang mula sa iilan, alay para
sa karamihan, na may tungkulin sa lipunan, pangangalaga sa kalikasan, paghulma
sa katayuan at maging ang pagkasangkot sa.gawaing bayan na magtuturo sa ating
puso't isipan ng pagiging isang mabuting paksa ng pagbabago at may matibay na
pundasyon upang imulat at hubugin ang mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na
mundo na kailangan ng bawat isa at lubusang mapakinabangan, malaman at maiambag
sa kapwa natin mamamayan. Ito'y gawin nating sandigan, sandata sa buhay at sa
ating kinabukasan na magbibigay linaw tungo sa makabuluhang estado ng ating
kamalayan. Binusog ang kaisipan ng bawat isa upang magkaroon ng sapat na
kaalaman sa pamamagitan ng ating karanasan at pormal na programa at mga
adbokasiya na nakukuha sa paaralan maging sa ating lipunan.
Sa
isang klase di mawawala ang pagkakaibigan, nag-iibigan at syempre hindi
mawawala ang awayan, plastikan, iringan, kaniya-kaniyang parinigan at kung
anu-ano pang hadlang upang magkaroon ng magandang samahan. Sa BSIT 2A lahat
masosulosyunan sa pamamagitan ng magandang usapan.
Hanggang
dito na lang ang kuwentong napahaba dahil sa mga tanong na dapat punan sa utak
mo. Isinulat ko ito upang gamitin mong inspirasyon sa pagkakaibigan sa loob ng
isang klase at hindi para gayahin kung anuman ang ginawa nilang masama.
ni Shiela Mae B. Bermudez
Sa Iyo ang langit, sa Iyo ang lupa
Ang
buong daigdig Ikaw ang may likha
Lahat
ng naroo’ysa Iyo nagmula.
Nang Ika’y nakilala, buhay ko ay naiba
Walang
ibang hangad kung hindi Ika’y mapasaya
At
balang araw, mabuhay ng kasama ka.
Ngunit
ng biyaya Mo’y nakamtam, Ika’y biglang nalimutan
Sama
ka mundong bagay ako’y nasiyahan
Di
ko man lang naisip na Ika’y nasasaktan.
Patawarin Mo sana, aking kapangahasan
Dahil
ako’y mangmang at kulang sa kaalaman
Kaya
ako nawa’y wag Mong pababayaan.
Wagas mong pag-ibig, sa amin laan
Di
Ka nang-iwan, Ika’y lagging nariyan
Tunay
ang Iyong pagmamahal magpakailanman.
No comments:
Post a Comment