Wednesday, September 23, 2015

BSIT "MAKULET"
























Patungkol sa pabalat
Nagmula sa nilalaman ng murang isipan,
Nabuhay ang katingkaran ng kawalang malay.
Binuksan, ibinuhos sariling talino’t kakayahan
At inilimbag sa mumunting bahagi ng kwaderno ,
Na mababasa at bububsog sa kanilang isipan “.

Ang pampanitikang aklat ng Cool-lang at nagpapacool lang ,
Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral
sa ikalawang taon, pangkat A
Ng Batsilyer sa Agham Pang-impormasyong Teknolohiya ng Unibersidad ng Rizal.

Sa obrang ito, amin lahat ang karapatan.
Sa aklat na ito walang bahagi ang maaaring sipiin sa anumang pamamaraan
Nang walang pahintulot sa may mga akda, maliban sa mga artikulong kinakailangang gamitin
Sa pang-akademiko.

Inilimbag :  Setyembre 2015


Kasapi:  Mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Batsilyer sa Agham Pang-impormasyong Teknolohiya, Ikalawang taon ,Pangkat A.





Klase ng BSIT 2A
Kilala ko na ba nang lubusan ang mga kaklase ko? sa totoo lang hindi pa talaga. Ikaw, alam kong hindi mo rin sila kilala kasi mambabasa ka lang naman na gustong magbasa ng gawa ng iba. Sa madaling salita gusto mong makialam dahil sa nilalaman, sigi pagbibigyan kita. Ipapakilala ko ang klase ng BSIT 2A sa iyo. Nakadepende ito sa kung ano ang alam ko. Huwag kang magtaka kung kinakausap kita sa paraang gusto ko. Ako iyong tipong hindi bihasa kaya pagbigyan mo na.
Sa kursong kinuha nila, hindi sila lahat sigurado. Mayroong mga nagkamali lang, pinilit ng magulang, kapatid, kaibigan, dating kaklase at ang hindi pangkaraniwan sa lahat ay dahil sa kapitbahay.May mga nagpapakapraktikal at hindi din mawawala iyong mga pumili ng kursong bukal talaga sa puso nila. Mayroon ding mga di maamin na pinanindigan lang nila ang kanilang pagkakamali.
Sa pagpili ng mga taong iyon ay nabuo ang hindi inaasahang kombinasyon ng BSIT1A at sa kasalukuyan ay BSIT2A. Sa BSIT 2A, unang-una na nalalaman ng bawat isa ay ang mga ugali. Alam kong alam mo na hindi naman manhid ang mga tao para hindi malaman ang mga ugali nila. Sa klaseng ito, may mga nabuo na grupo na may kaniya-kaniyang mundo. Masamang impluwensya, mga estudyanteng may tungkulin para magpalaganap ng kung anu-anong alam nila. Tahimik na madaldal, mga madadaldal kapag magkakasama sila, tahimik sa oras na nagkakahiwalay o kung may ginagawa. Kumpares, dalawa o tatlong magkakasamang mga lalaki na may sari-sariling pinagkakasunduan o hilig. Pasikat, bida-bida hindi totoong sikat sa skul pero sa tuwing nagsasalita iba talaga ang dating. May mga selfie addict, iba naman ang mga tinitira nito hindi kumpleto ang kanilang araw nang wala silang nakukuhang litrato ng kanilang sarili. Saan sila nagkakasundo? Dokumentasyon ng mukha nila araw-araw at iba pa tulad ng pagsusulit, pagsasabi ng sagot o sa madaling salita ay kopyahan. Iba’t-ibang klase ng kadayaan at paraan ng pagtutulungan.



Ang buhay nga naman ay tila isang biyahe lamang. Bagama't ito'y puno ng mga sulok at pasikot-sikot na magdadala sa iyo sa mga daan na sadyang hindi mo inaasahang mapuntahan o maging sa iyong patutunguhan at magdudulot ng mga pangyayari sa buhay na ikaw mismo ang magbibigay kulay at pipinta sa nais mong tatahaking daigdig. Sa isang byahe din maaari mong mahanap ang iyong tunay na sarili at maging ang salamin ng buo mong pagkatao na siyang magbubunyag ng iyong natatagong kahinaan at pati narin ang iyong mga kalakasan bilang isang nilalang na nabubuhay sa mundong ito. Anf lahat ay nagsisimula sa wala, ngunit kalakio nito'y mayroon tayong kalayaan upang isulat, ilista o ilagay ang gusto nating ipahiwatig aymt gawin ang ating nais. Marahil sa umpisa ay hindi alam at nangangapa pa sa mga unang hakbang na gagawin.
            Gamit ang mga gahimaymay at pinagtagpi-tagping salita upang makabuo ng tula. Naibabahagi din upang magsulat, magmulat at magbalita sa mga impormasyong nakalap. Ibinahagi gamit ang mga karanasang iginuhit sa kanilang mga palad upang makabuo ng isang maikling kwento sa tulong ng mga bagong kaisipan, hayagang naibabatid at naisasabuhay ang mga natuklasan, naiaambag ang kaalaman at maging ang mga aral mula sa napagdaanan, babauning karanasan bilang isang mag-aaral na ang layunin ay upang magkaroon ng pagyabong ng isipan sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyang panahon, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan at damdamin ng isang tao. Kaalinsabay nito'y hinubig ang kaalaman at hinimay ang mga anggulo upang makapagpalabas ng magandang larawan na siyang nagbigay buhay sa pahayagang tinuran.
            Gamit ang alab ng isang plumang nagihimlay sa kamay naming mga manunulat at mula sa mga naging miyembro ng aming obra taong 2015, nais naming ibahagi sa inyo ang munting kwaderno upang imulat at mabigyan ng boses ang pahayagang ito. Obrang mula sa iilan, alay para sa karamihan, na may tungkulin sa lipunan, pangangalaga sa kalikasan, paghulma sa katayuan at maging ang pagkasangkot sa.gawaing bayan na magtuturo sa ating puso't isipan ng pagiging isang mabuting paksa ng pagbabago at may matibay na pundasyon upang imulat at hubugin ang mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa at lubusang mapakinabangan, malaman at maiambag sa kapwa natin mamamayan. Ito'y gawin nating sandigan, sandata sa buhay at sa ating kinabukasan na magbibigay linaw tungo sa makabuluhang estado ng ating kamalayan. Binusog ang kaisipan ng bawat isa upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa pamamagitan ng ating karanasan at pormal na programa at mga adbokasiya na nakukuha sa paaralan maging sa ating lipunan.
















Sa isang klase di mawawala ang pagkakaibigan, nag-iibigan at syempre hindi mawawala ang awayan, plastikan, iringan, kaniya-kaniyang parinigan at kung anu-ano pang hadlang upang magkaroon ng magandang samahan. Sa BSIT 2A lahat masosulosyunan sa pamamagitan ng magandang usapan.
Hanggang dito na lang ang kuwentong napahaba dahil sa mga tanong na dapat punan sa utak mo. Isinulat ko ito upang gamitin mong inspirasyon sa pagkakaibigan sa loob ng isang klase at hindi para gayahin kung anuman ang ginawa nilang masama.
















PAGKILALA SA TAGAPAGLIKHA
ni Shiela Mae B. Bermudez

Sa Iyo ang langit, sa Iyo ang lupa
Ang buong daigdig Ikaw ang may likha
Lahat ng naroo’ysa Iyo nagmula.


Nang Ika’y nakilala, buhay ko ay naiba
Walang ibang hangad kung hindi Ika’y mapasaya
At balang araw, mabuhay ng kasama ka.


Ngunit ng biyaya Mo’y nakamtam, Ika’y biglang nalimutan
Sama ka mundong bagay ako’y nasiyahan
Di ko man lang naisip na Ika’y nasasaktan.


Patawarin Mo sana, aking kapangahasan
Dahil ako’y mangmang at kulang sa kaalaman
Kaya ako nawa’y wag Mong pababayaan.


Wagas mong pag-ibig, sa amin laan
Di Ka nang-iwan, Ika’y lagging nariyan
Tunay ang Iyong pagmamahal magpakailanman.